Sunday, April 20, 2008

dulot ng stress hahahaha!

Hurtful words kill and cause intense pain.

Lahat ng tao may kapintasan. Mga katangiang kinaayawan ng iba at kinaiinis pa. Hindi lahat ng tao ay magbibigay ng oras para ikaw ay kilalanin ng higit sa nakikita ng mga mata. May mga kahinaan ang bawat tao. Minsan may mga pagkakataon na wala ka ng magawa kundi tanggapin ang salitang hindi naman talaga totoo. Kahit anong gawin mo, masakit at tatagos ito sayo. Tulog ka man o hindi. Kung ikaw, kagaya ko ay nagkakamali, welcome to the club pare. Kung ikaw ay lumagapak na, di ka nagiisa. Kung ang sukatan ng pagiging magaling ay sa gawaing bahay, pananamit, postura at iba pa. Sa ngayon ay di pa ako papasa. Natutunan ko ng hindi sa lahat ng pagkakataon ay maiintindihan ka ng iba, minsan yung mas malapit pa sa puso mo ang tiyak na sasapol sayo. You are not given trials that you can't bear, sabi nga. Hindi ko man maintindihan ngayon, magtitiwala pa rin ako sa Kanya. Hindi nakakatulong ang magtanim ng sama ng loob. Yes, offenses are inevitable but I choose to forgive. May pagkukulang din naman ako. Kung si Joseph nga pinagbenta ng mga kapatid nya kahit wala naman siyang inisip na masama laban sa iba. Hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa, alam kong magpagbabago pang mangyayari. Hindi lang sa akin, kundi sa sitwasyon ko ngayon. Every places in our journey (in life) is an avenue to test one's character. Dalangin ko ngayon, pumasa ako.

Mga natutunan ko:
• Magpatawad kahit nasaktan upang di mo dalhin ito. It would induce secretion of chemical changes that causes stress.
• Mas maging maingat sa mga binibitawang salita, pagkat hindi mo na ito mababawi.
• Mas masakit ang pagusapan kang tulog at nakatalikod kaysa harapan kang kakausapin.
• Kung ang bawat masamang salitang ay basura, lalong dudumi ang mundo ngayon.
• Umiyak ka at matutong tumahan pagkat may pag-asa pa. Alalahanin na ang sariling suliranin ay di makukumpara sa hirap ng suliranin ng bansa.


Salamat.

No comments: